An act of God or bungle of the people?

SM Megamall

SM Megamall, One of the world's biggest malls

Shanties along rivers

Shanties along rivers

Beautiful Makati Skyline

Beautiful Makati Skyline

Woman being rescued from flood

Denuded Mountain of Sierra Madre

Denuded Mountain of Sierra Madre

Last Saturday’s disaster that swept the my country really made me feel sick, saddened, sorry and seething; all at one time. Typhoon Ondoy sure made a hell-of-a-mess in my own beloved Metro Manila. All of these, courtesy of our own beloved people.

Wala po tayong dapat sisihin sa mga nangyaring ito kundi tayo din. Huwag na nating idamay ang Dios dito! Nitong mga nakaraang dekada, gumawa tayo ng mga pinakamalalaki at pinakamagagarang mga malls, subdivisions and skycrapers – katabi ng mga pinakamaruming estero at napakasalaulang kapitbahay. Pinakamarumi na sa Metro Manila.

Nakarating na ako sa ilang bansa dito sa Asya. Pero ang layo talaga ng kaayusan na meron sila kumpara mo dito sa ating capital city. Di na makontrol ang mga squatters. Halos lahat sa kanila ay tumira na malapit sa mga esteros. Di naman sila mapaalis dahil sila ay kinakanlong ng mga hayok na lokal na opisyal na magagamit ang kanilang boto para sa kanilang kapakanan.

Ang mga kagubatan at bundok natin magmula sa hilaga hanggang timog ay kinalbo na ang mga puno. Ito pa naman ang makapagpipigil ng anumang bagyo na dumapo sa ating napakagandang bansa. Ika nga ng isang Catholic Priest sa Quezon province, “Kung nakinig lang sana ang ating Pangulo, di na sana magkakaganun ang ating mga bundok”.

Ang mga ilog natin, lalu na ang Ilog Pasig, sobrang nakakasulasok ang amoy. Ang pinakamaraming nasalanta ay nasa bayan ng Pasig at Marikina. Tignan nyo ang Manila Bay, makakakita kayo ng puro plastic bag at kung anu-ano pang mga lumulutang na dumi!

Napakaraming pera ang pumasok sa ating kaban ng yaman. Pero napunta lang ito sa kakaunting tao. Korupsyon at pansariling kapakanan lang ang inuna. Isinaisantabi ang kapakanan ng kalikasan. Napakagahaman naman ninyo!

Alam nyo, di naman ganyan sa ibang lungsod at bayan dito sa Pinas. Pumunta ka sa Davao City sa Mindanao, sa Puerto Princesa sa Palawan at maging sa ilang bayan sa Norte. Di naman ganito kagulo at karumi. Kaya naman nilang ayusin ang kanilang nasasakupan. Bakit dito sa kapitolyo, di natin ito magawa?

Nakapangngingitngit mang isipin, tayo din ang may kasalanan. Kailan pa tayo matututo? Malapit na ang 2010! Mamili naman tayo ng mga mamumuno na may “political will” na baguhin ang sistema at “honesty” na hindi nabibili ang integridad dahil lang sa salapi. Maawa naman tayo sa ating mga sarili! Saan na pupulutin ang bayan natin?




    Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s



%d bloggers like this: