Hindi Lahat ng Kapansanan ay Nakikita #thinkoutsidethechair

Ilang araw pa lang ang nakakalipas, nakita ko itong isang Facebook post na nangangampanya tungkol sa “encouraging people to print and display a new symbol that represents both visible and invisible disabilities“. Na-curious ako kung ano ito kasi naisip ko na ang sektor na aking ginagalawan ay bahagi ng tinatawag na “hidden disability”.

Nang i-click ko ang kanilang official FB post, kinuha ko itong patungkol sa kanila:

#thinkoutsidethechair is a collaborative movement and campaign designed to challenge and change the current thinking around disabilities. This initiative seeks to inform, engage and educate to see all Australians live harmoniously in communities that celebrate inclusion and diversity in an effort to see beyond the chair because Not All Disabilities Are Visible.

disabilitysymbolwhitebackgroundKampanya pala nila ito sa Australia upang ipaunawa sa mga tao na hindi lahat ng may kapansanan ay nakikita. Kasi kapag sinabi mo sa ibang tao na “may kapansanan”, ang unang unang sumasagi sa isip nila ay ang wheelchair. Sa totoo lang, pati nga ang kinikilalang simbolo ng kapansanan sa buong mundo ay ang taong naka-upo sa wheelchair. Yan na kasi ang nakagawian ng mga tao. Makikita mo yan sa parking areas, upuan sa bus at tren at maging pag pumipila ka pag may transactions ka sa gobyerno o kahit sa mga bangko.

Pati nga sa WordPress, pag-i-search mo ang salitang “disability” mga ganitong images ang lalabas:

Image search results showing wheelchairs
Image search results showing wheelchairs

Pero ang di alam ng ibang mga tao ay higit na marami pa ang mga uri ng kapansanan na hindi nakikita. Tuloy hindi nila alam kung paano nila pakikitunguhan ang mga may kapansanan ng maayos at hindi sila nakakasakit ng kapwa.

Kapag -igoogle mo ang salitang disability, lalabas ang ganitong resulta:

Different types of disabilities

    • vision impairment
    • deaf or hard of hearing
    • mental health conditions
    • intellectual disability
    • acquired brain injury
    • autism spectrum disorder
    • physical disability

Pag titignan mong maigi ang listahan na ito, isa lamang ang kapansin-pansin ang “kapansanan”. Yan ay ang PHYSICAL DISABILITY. Halos lahat ng kapansanan ay HINDI NAKIKITA. Isa na rito ay ang “deaf or hard of hearing” group. Maaaring ang “vision impairment” ay madali ring mapansin dahil kadalasan nakasuot sila ng dark eyeglasses o kaya ay gamit nila ang kanilang white cane habang naglalakad. Tatlo sa mga nakalista ay patungkol naman sa may kapansanan sa pag-iisip na isa ring hindi nakikita.

Ang maling akala ng iba ay ang naka-wheelchair lang ang kailangang pag-tuoonan ng higit na pansin. Kaya nilalayon ng campaign na ito na bigyang kaalaman ang lahat ng mga tao na gawing pantay-pantay ang pagkilala at pagbibigay ng tulong sa taong nakakaranas ng iba’t ibang uri ng kapansanan.

Sa grupo ng mga bingi at mahina ang pandinig, sila din ay dumaranas ng higit na diskriminasyon dahil hirap sila maka-access sa impormasyon na nakukuha sa iba’t ibang paraan. At ang pinakamasakit sa lahat, ni hindi man lang nila nakakausap ang kanilang mga mahal sa buhay dahil karamihan sa kanila ay isa lamang sa bawa’t pamilya. Ang kanilang mga magulang at kapatid ay malayang nakikipag-kwentuhan  sa isa’t isa at nagbabahagi ng kanilang mga pang-araw araw na activities samantalang ang mga deaf ay naisasantabi na lamang.

Pero pag titignan mo sila, parang mga regular na mga tao lang sila. Naalala ko yung isang nanay na inenroll nya ang kanyang isang anak na deaf, tinanong ko siya kung ilan silang magkakapatid. Sagot nya,

Yung panganay ko po at bunso ay normal. Sya lang ang hindi.

Ay, bigla ko syang kinorek ng malumanay. Sabi ko,

Nanay, normal din naman po yung isa nyong anak. Hindi lang po sya nakakarinig. Kasi ang kabaligtaran ng normal ay abnormal. Hindi naman abnormal ang deaf diba?

Sagot ng nanay,

Ay oo nga po. Pero mahal na mahal po namin sya. Igagapang po namin ang pag-aaral nya.

Sadyang mahirap talaga ma-identify ang mga kapansanan na hindi nakikita sa pisikal na kaanyuan. Sana iwasan na lang natin na sila ay kutyain o kaya ay pagtawanan. Maging sensitibo naman sana tayo sa kanilang mga damdamin at pangangailangan. Ituro na din natin sa ating mga anak na igalang ang lahat ng mga tao lalu na ang ibang naiiba sa kanilang anyo at kilos.

Kung nais nyong makibahagi sa kanilang kampanya, maari kayong pumunta sa kanilang website: https://thinkoutsidethechair.com.au/ Huwag nyo lang po kalimutang isama ang kanilang official tag:
#thinkoutsidethechair

hindi lahat ng may kapansanan ay nakikita
Baka type nyo din i-share ang post na ito. Click nyo din po itong campaign poster na Filipino Version ng Campaign Badge, tapos i-save nyo sa inyong computer o i-post nyo sa po yung FB icon sa ibaba nitong post. May English Version po nito kung nais nyo. Ito po yung nasa ibaba. Salamat po!!!

not all disabilities are visible

Note: This is the first time I wrote a blog post here using entirely my mother language, Filipino although I already made a WordPress post in Pinoy Terps in Tagalog before. 🙂 🙂 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: